Reymundo T Redublo Jr | Maynard M Redublo
Discipline: Education
Ang pangunahing tuon ng pag-aaral na ito ay ang balidasyon ng kagamitan sa pagtataya sa pag-unawa sa pagbasa sa Filipino 11 na pangunahing layunin ay paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri at kakayahan sa pag-unawa sa binasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang sumusunod: (1) Antas ng Balidasyon ng kagamitan ayon sa 1.1 Pagsunod sa Karapatang-ari, 1.2. Kasanayang Pampagkatuto, 1.3. Instraksyonal na Disenyo at Kaayusan, 1.4 Instraksyonal na Kalidad, 1.5. Pagtataya, at 1.6 Madaling Mabasa at (2)Matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtataya ng mga Lubos na Bihasang mga Guro at Bihasang mg Guro tungkol sa balidasyon ng mga bahagi ng kagamitan sa pagtataya. Ginamit ng pag-aaral na ito ang quasi-experimental design sa balidasyon ng kagamitan. Ang mga Lubos na Bihasang mga Guro at mga Bihasang Guro ay ang pangunahing respondente ng pag-aaral. Nakuha ng mananaliksik ang resulta mula sa mga datos mula sa mga instrumento. Ang antas ng mean sa pagitan ng ebalwasyon ng mga Lubos na Bihasang Guro at mga Bihasang Guro batay ay nagpapakita ng halos magkatulad na antas ng balidasyon. Bilang pagtitiyak, walang makabuluhang pagkakaiba sa marka na ibinigay mula sa mga guro at mga dalubguro. Ipinapakita sa talahanayan ang (t value= 0.13, p= 1.7) para sa pagsunod sa karapatang-ari, (t value= 0.54, p= 0.66) kasanayang pampagkatuto, (t value= 0.44, p= 0.67) instraksyonal na disenyo at kaayusan, (t value= 0.13, p= 1.7) instraksyonal na kalidad, (t value=0.91, p= 0.40) pagtataya, (t value= 2.45, p= 0.45) madaling mabasa. Nangangahulugan lamang ito na ang mga salik sa kagamitang sa pagtataya ay katanggap-tanggap sa mga nagsuri. Nakitang ang kagamitan sa pagtataya sa pag-unawa sa pagbasa sa Filipino 11 ay napakalaking tulong subalit, inirerekomenda na magdagdag pa ng ilang mga tanong, paglalagay ng mga karagdagang panuto, at pagsasaayos sa ilang mga kaisipan sa panimula ng kagamitan.