Discipline: social work
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ilahad ang mga karanasang pinagdaanan ng mga frontliners na namamahala sa kapayapaan at kaayusan ng mga piling barangay sa bayan ng Valenzuela at Malabon. Ang mga kwento ng buhay na pinagdaanan ng mga piling frontliners noong panahon ng pandemic ay nagpakita ng malaking ambag nila upang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng sakit. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng pamamaraang kwalitatibo upang malikom ang kanilang mga karanasan sa pamamagitan ng pag-iinterbyu. Ginamit ang estratehiyang penomenolohikal sa pagbibigay diin sa pag-aaral ng isang phenomenon na nagkaroon ng malaking epekto sa mga mamamayan. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay mga frontliners sa mga piling barangay ng Valenzuela at Malabon na pinili ayon sa rekomendasyon ng mga puno o kapitan ng bawat barangay na ibinatay naman sa mga ulat ng mga Ex-O o namamahala sa mga tanod/frontliners ng bawat lugar. Ang pagpili ay batay sa natatangi nilang karanasan na nagbigay ng inspirasyon sa mga tao sa bawat barangay. Karaniwang mga barangay tanod ang mga piling frontliners at nasa gulang na 30-70 at sila ang unang humaharap at hinihingan ng tulong ng kanilang ka-barangay. Ang mga barangay tanod sa bawat lugar/barangay ang siyang unang umaalalay sa mga taong naapektuhan ng COVID-19. Maraming barangay tanod gayundin 2 ang kanilang mga pamilya ang naapektuhan ng pandemya ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagtulong sa kanilang kapwa. Pinatunayan din ng mga frontliners na hindi sila pinabayaan ng lokal na pamahalaan at patuloy na binibigyan ng sapat na pagkain at gamot bilang pangangalaga sa kanilang mga sariling kalusugan. Mungkahi ng pag-aaral na ito na patuloy na suportahan ang mga frontliners o barangay tanod sa bawat lugar pati na ang mga program na magpapaunlad hindi lamang sa pisikal kundi sa kabuuan ng kanilang pagkatao upang lalo pang dumami ang mga katulad nila. Dapat ding maglaan ng pondo para sa karagdagang pagsasanay sa